Sa panahon ng pagbabago at pag-unlad, binuksan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pinakamalaking solar-powered pump irrigation system sa Pilipinas sa Quirino, Isabela - isang hakbang patungo sa mas maunlad na bukas para sa ating mga magsasaka.
Magkaisa para sa kalikasan! Makakatulong ang pagtatanim ng 2,500 punla ng narra sa San Felipe East, San Nicolas, Pangasinan sa pagsugpo sa mga suliraning pangkalikasan. Tara't magtanim para sa kinabukasan!
Sa tulong ng Department of Agrarian Reform at ng kanilang 46 portable solar dryers, ang mga magsasaka sa Bicol ay nag-aani na ng mas mataas na kalidad ng ani at mas magandang kita.
Ibinahagi ng DENR na 20 porsyento ng plastic waste ay naitabing muli ng mga rehistradong negosyo, natugunan ang target sa unang taon ng pagpapatupad ng EPR Act.